Hayaan ninyo ako, na isulat sa
ibang paraan kung paano ko pupurihin ang isang magandang album mula sa isang dayuhan na ang pangalan ay Corrine May. Tama, hindi natin siya kalahi, ngunit ang mensahe ng
kanyang mga awitin ay tugma sa ating kulturang mapagmahal sa anak, ina, kapwa
at higit sa lahat sa Poong Maykapal…
“In My Arms”
Ang
wika ng Ina sa kanyang Anak,
Habang
ito ay kanyang yakap yakap,
Mahimbing
na pinapatulog,
Kasabay
ng pag awit ng pagmamahal.
“Lazarus”
Si
Hesus ang nagwiwika,
Banal
ang kanyang mga salita,
Opo,
tama ka, ikaw nga,
Ikaw si
Lazarus, ang kausap niya.
“24 Hours”
Paano
kung bilang na ang mga oras mo?
Ano ang
mga gagawin mo?
Nakalimutan
mo na ba ito (na hindi ka immortal)?
Kaya
gamitin mong wasto.
“Beautiful Life”
Nakikita
ng Ina sa kanyang Anak na ang buhay ay
maganda,
Ang
pagiging inosente ng isang bata,
Na sa
maliliit na bagay ay nakapagpapaligaya na,
At
nagpapaalala na habang may buhay ay may pag asa.
“Crooked Lines”
Ang
buhay ng tao ay hindi tulad ng tuwid na guhit,
Minsan
ito ay bumabaluktot,
Dahil
tayo ay nagkakamali at nagkakasala,
Ngunit
salamat sa Poong Maykapal dahil ito pa rin ay
Kanyang tinutuwid.
“You Believed”
Ikaw ay
magtiwala,
Dahil hindi ka Niya pababayaan,
Ikaw ay manalangin,
Dahil ikaw ay Kanyang sasagutin.
“When I Close My Eyes”
Napapangitan
ka ba sa iyong mga nakikita?
Ipikit
mo ang iyong mga mata,
At sa
panalangin mo makikita,
Na ang
Poong Maykapal ay iyong kasama.
“Pinocchio”
Ikaw ba
ay isang manika,
Na
naliligaw ng landas,
Hindi mo
alam kung saan papunta,
Pauwi
ng iyong tahanan, Pinocchio.
“Just What I Was Looking For”
Ano ang
iyong hinahanap? Nakita mo na ba?
Gamitin
ang isip, para malaman ang tama,
Gamitin
ang puso, para maramdaman ang ligaya,
Gamitin
pareho, para makapiling mo Siya.
“Because of Love”
Ng
dahil sa pag-ibig,
May dalagitang
maagang naging ina,
Ngunit
hindi siya nagsisisi,
Dahil ang
sanggol ay mahal niya.
“Your Song”
Ano ang
maiaalay mo sa Kanya?
Ano ang
maibibigay mo sa iyong kapwa?
Yaman
at buhay ay iyo bang kaya
Na
ibigay at isakripisyo para sa iba?
“Sight of Love”
Saan mo
makikita ang pagmamahal?
Makikita
mo ba ito sa isang tao?
Na sa
punong kahoy ay nakapako,
At ang
kanyang buhay ay sinakripiso para sa iyo.
“If You Ask”
Marami
ka bang tanong sa iyong sarili?
At
hindi mo alam kung ano ang kasagutan,
Huwag
kang mag alala at lumapit ka lang sa Kanya,
Dahil
lahat ng problema mo ay mawawala.
Hayaan po ninyo na ang aking mga munting tula ang maging inspirasyon para po ninyo tangkilikin ang mga kanta ni Corrine May.
Maraming Salamat Po.
No comments:
Post a Comment